Paghahain ng COCs sa Oktubre 11-17 na
Bandera
September 12, 2018 at 3:36 pm

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na sa Oktubre 11 hanggang 17 na ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2019 national at local elections.

Inihayag ng Comelec ang desisyon sa harap naman ng panawagan mula sa Senado at Kamara na i-delay ng isang linggo ang nakatakda sanang paghahain ng COC. 

Orihinal na nakatakda sana ang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang 5.

“The Comelec en banc has authorized the re-scheduling of the filing of certificates of candidacy for the #2019NLE to October 11-17, 2018, excluding Saturday and Sunday,” savi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang pahayag.

“On the last day, there will be no extension of filing hours,” dagdag nj Jimenez. 

Iginiit ng mga mambabatas na kailangang ipagpaliban ang paghahain ng COC “to enable members of Congress to fully attend to their legislative duties and meet the deadline for the filing of the certificates of candidacy for the 2019 national and local elections.”

Inamin naman ni Jimenez na magdudulot ang pagpapaliban sa paghahain ng COCs para sa eleksiyon sa Mayo 2019 sa pagkabalam ng pag-iimprenta ng mga balota. Inquirer

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments