Ritz napasigaw nang maghubad si Pepe: Ang puti-puti!
By Jun Nardo
Bandera
September 12, 2018 at 12:10 am


PASADONG komedyante ang singer-actor na si Pepe Herrera. Ang galing-galing kasi niya sa Regal movie na “The Hopeful Romantic.”

Bawat bitaw niya ng punchlines eh, bentang-benta sa mga nanood sa celebrity screening ng pelikula nila ni Ritz Azul last Monday sa Trinoma Cinema.

Sakto naman kay Ritz Azul ang role niya bilmoko girl na kalaunan ay na-in love kay Pepe. Pinakakuwela sa eksena nila ‘yung dinonselya ni Ritz si Pepe.

Nang tanggalin niya ang pants nito at tumambad kunwari sa harap niya ang kargada nito, napasigaw ang aktres ng, “Ang puti-puti!”

Of course, hindi lang ang eksenang ‘yon ang kuwela sa movie. Palung-palo rin ang batuhan ng linya nina Pepe at Beverly Salviejo na gumanap na nanay niya.

Sa totoo lang, lahat ng cast na kabilang sa movie eh, may kanya-kanyang kontribusyon sa ikagaganda ng movie. Idagdag pa riyan ang direksyon ni Topel Lee na winner din ang galing sa sex comedy.

Komo unlikely pair tulad nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa “Kita Kita,” malaki rin ang chance na magustuhan ng manonood ang tambalan nina Pepe at Ritz sa “The Hopeful Romantic” na may Grade B mula sa Cinema Evaluation Board.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments