Bossing Vic, Wally, Maine may bagong pasabog, AlDub Nation ‘abangers’ na
By Jun Nardo
Bandera
September 12, 2018 at 12:15 am


ABANGERS na naman ang fans ni Maine Mendoza at ang AlDub Nation dahil sa inilabas na teaser photo ni Rams David, manager ni Meng, sa kanyang social media account.

Sa post ni Rams, nasa picture sina Vic Sotto, Wally Bayola at Maine na throwback ang suot na damit at black and white ang litrato. Tanging caption ni Rams, “May bago tayong susubaybayan!!! Malapit na!!! #abangan @mainedcm.”

Sa Instagram account naman ni Meng, colored na ang picture nila ni Wally na nilagyan niya ng caption na, “We are the women your parents warned you about. #babala #soon.”

Walang mention kung kasama si Alden sa bagong pasiklab na ito nina Meng, Wally at Bossing kaya todo hiling ang ADN na isama sana ang Pambansang Bae dahl miss na miss na nilang mapanood muli sa TV ang AlDub loveteam, huh!

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments