Tatay na si bagets: Non-showbiz girl na nabuntis ni young actor nanganak na
By Cristy Fermin
Bandera
September 12, 2018 at 12:15 am


UMIKOT nu’n ang balita na dinala na ng kanyang mga magulang sa ibang bansa ang non-showbiz personality na nakalunok ng pakwan mula sa bukirin ng isang bagets actor.

Denay pa nang denay nu’ng una ang pamilya ng babae, wala raw ganu’ng nangyayari, pero nu’ng bandang huli ay hindi na rin nila naitago ang paglaki ng tiyan ng girlfriend ng young actor.

Kailan lang ay nagsilang na ang girl, nandito lang naman pala ito at hindi dinala sa ibang bansa ng kanyang pamilya, kaya tatay na ang bagets actor.

Kuwento ng aming source, “Ipinalutang lang ng family ng girl ang istoryang dinala siya sa ibang bansa para tantanan siya ng mga miron. Binubulabog kasi sila sa social media, tinututukan ang idinedenay na paglaki ng tiyan ng girl.

“E, kilala rin naman kasi ang babae sa mundo niya, may career din ang girl, kaya nahinto ang paglalaro niya mula nu’ng lumaki na ang tiyan niya,” unang chika ng aming impormante.

Sa isang kilalang ospital nanganak ang babae, inaabangan siyempre ng mga miron kung kailan dadalaw ang bagets actor, pero napanghal sila sa kaaabang.

“Hindi pinapunta ng family ng girl ang napakabatang ama ng baby, puwedeng dumalaw ang pamilya ng bagets actor, pero siya, e, hindi. Umiwas lang sa tsismis ang pamilya ng babae.

“Naunsiyami ang mga may gustong makita ang bagets actor, nakakaloka nga naman ang kuwento, matangkad ang girl, pero ang bagets actor, e, bahagya nang umangat sa lupa ang height.

“Ang pag-ibig nga naman, walang pinipiling sukat. Kesehodang matangkad ang girl at bansutin naman ang lalaki, panalo pa rin! Ang mahalaga, e, nagmamahalan sila at pinanindigan naman ng bagets actor ang pagiging daddy niya.

“Ang tanong, ngayong isa nang ama si bagets actor, pabalikin na kaya siya sa isang variety show para makapagtrabaho na uli? Nu’ng pumutok kasi ang kuwento at napatunayan ng management na totoo ngang nakadyontild ang bagets, e, tinanggal na siya sa show.

“Sana nga, e, ibalik na siya, para naman may maipambili ng gatas at diaper ang bagets actor. It’s about time, di ba naman?” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan!

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments