Kiko Matos: Biglang nagbago ang buhay ko dahil sa anak ko!
By Julie Bonifacio
Bandera
September 12, 2018 at 12:20 am


HAPPY and proud daddy ang dating Kapamilya star na si Kiko Matos. Ipinakita pa niya sa amin ang series of videos na kuha niya sa kanyang five months baby na si Maria Francisca or Kika.

Nakuha ni Kika ang kanyang name from her father na si Kiko na ang real name is Francisco at sa 29-years old model mom niya na si Maria Martinez.

“Nu’ng una, surreal ang feeling, e. Then, nu’ng lumabas siya, maraming pagbabago sa buhay ko, maraming adjustments bilang ama. Tapos marami akong failures bilang nagsisimula na family man but not failures as a person,” pahayag ni Kiko.

Although, wala pa raw talaga sa plano niya ang magka-baby sila ng partner niya since gusto muna nilang mag-ipon for their future.

Dream ni Kiko na maging mixed martial arts fighter ang kanyang anak, “Gusto ko kasing magkaroon siya ng private life. Kapag nag-artista siya tulad ko, baka hindi mangyari ‘yun. While kung magiging MMA fighter siya, mas private ‘yun kesa sa showbiz. Pero kung gusto niya something related sa showbiz, siguro ipapasok ko siya sa theater. Huwag muna sa mainstream.”

May dalawang pelikula si Kiko na kasali sa 3rd TOFARM Film Festival, ang “Mga Anak Ng Kamote” at “Alimuom” na ipalalabas sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1 at Gateway simula Sept. 12 to 18.

The awards night will be held at Makati Shangri-La Hotel on Sept. 15. Awards for the Feature Films and Best Short Films (collectively known as the Direk Maryo Awards), will be given out by a jury.

Going back to Kiko, ang “Alimuong” (directed by Keith Sicat) at “Mga Anak Ng Kamote” (directed by Carlo Enciso Catu) ang unang movies niya sa TOFARM filmfest.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments