Jo Berry kinilig kay Ken Chan, umamin sa feelings
Bandera
September 12, 2018 at 12:25 am


BREAK muna sa pagiging seryosong aktres si Jo Berry, ang lead star sa GMA Primetime series na Onanay.

Sa pagbisita niya sa programang Tonight With Arnold Clavio, hindi naitago ni Jo ang kanyang kilig nang bigyan siya ng mensahe ng kanyang crush na Kapuso actor na si Ken Chan.

Ayon kay Jo, isa talaga si Ken sa mga Kapuso actors na hinahangaan niya. Hindi na naitago pa ng small but terrible actress ang kanyang kilig nang ikuwento niya ang palitan nila ng messages ng My Special Tatay lead star. Aba, Jo, ha! Ibang level ka na!

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments