Kapuso stars nilibot ang Pinas para ibandera ang bonggang paandar ng GMA Regional TV
Bandera
September 12, 2018 at 12:40 am


BUSY at productive ang buong buwan ng Agosto para sa GMA Regional TV.

Unang araw pa lang ay nagpasaya na sina Kapuso stars Gabby Concepcion, Thea Tolentino at Jason Abalos sa Compostela Valley para sa Kapuso Fiesta.

Nagkaroon naman si Ashley Ortega ng isang Kapuso Meet and Greet sa SM CDO Downtown Premiere noong Aug. 3 kung saan nag-perform rin siya sa kabubukas pa lang na ice-skating rink dito.

Sa Davao, marami ang napakanta at napasayaw sa Kapuso Mall Show nina Alexander Lee at Marucci sa Abreeza Mall noong Aug. 4.

Nagtungo naman sina Mikael Daez at Megan Young ng The Stepdaughters sa SM Center Lemery, Batangas noong Aug. 16 para sa pagdiriwang ng Lemery Town Fiesta. Kasama nila rito sina Sef Cadayona, Joyce Ching, Donita Nose, Emmanuelle Vera at Karenina Haniel. Present din sa nasabing Kapuso Mall Show ang stars ng Kapag Nahati Ang Puso na sina Bea Binene, David Licauco at Benjamin Alves.

Ang cast ng Ika-5 Utos na sina Klea Pineda, Migo Adecer at Jeric Gonzales ay may Kapuso Mall Show rin sa Robinsons Place Pangasinan noong Aug. 17. Nakisaya pa rito si Asia’s Pop Balladeer at The Clash judge Christian Bautista kasama ang Clashers na sina Garret Bolden, Anthony Rosaldo at Psalms David.

Nasa Robinsons Place Iligan naman sina Ika-5 Utos stars Jake Vargas at Inah de Belen upang i-promote ang kanilang bagong serye.

Star-studded din ang Kadayawan Festival ng Davao. Noong Aug. 18, bumida sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Mall Toril ang cast ng Onanay na sina Jo Berry, Mikee Quintos, Kate Valdez, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral at Enrico Cuenca. Kinabukasan, inabangan ng mga Dabawenyo ang pagsampa ni Kapuso Prime Actor at Victor Magtanggol lead star Alden Richards sa Kapuso float bilang pakikiisa sa Pamulak sa Kadayawan. Kasama niya sina Pancho Magno, Kristoffer Martin at Dion Ignacio.

Kinahapunan, dinumog din ang Kapuso Mall Show ng Victor Magtanggol cast sa SM City Davao. Isang mini-concert pa ang handog ni Asian Nightingale at The Clash judge Lani Misalucha kasama ang Clashers na sina Charline Fiel, Lyra Micolob at Chemp Raña.

Sa Iloilo, pinakilig nina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix ang nagtipong fans sa Vista Mall Iloilo kasama ang mga Clashers. Nasa Robinsons Place Iloilo naman si Tom Rodriguez at Thea Tolentino para sa isa pang Kapuso Mall Show.

Noong Aug. 20, ang mga bida ng Contessa na sina Glaiza de Castro at Lauren Young naman ang may Kapuso Mall Show sa SM City Lucena, Quezon kasama si Ruru Madrid.

Nagtungo rin ang tropa ni Alden sa Robinsons Place Pangasinan noong Aug. 21 para sa isang Kapuso Mall Show.

Bukod sa successful regional events, gumawa ring muli ng kasaysayan ang GMA Regional TV sa pagsisimula ng pioneering Hiligaynon news program na One Western Visayas noong Aug. 27.

Sinimulan din ng GMA RTV noong Agosto ang advocacy nitong #SpreadKindness na may layuning kilalanin mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga ordinaryong tao na gumawa ng mabuti sa kapwa.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments