Cast members ng ‘Probinsyano’ takot na takot ‘mapatay’; may pakiusap kay Coco
By Ambet Nabus
Bandera
August 7, 2017 at 12:10 am

COCO MARTIN

PINAKABONGGA na nga ang mga achievements ng Ang Probinsyano kung dami ng awards ang pag-uusapan.

Mahirap nang pantayan ang mahigit 70 plus na tropeo at pagkilala na nakuha ng serye ni Coco Martin sa halos lahat na yata ng award-giving bodies for TV. Kung hindi kami nagkakamali wala pang programa na nakatanggap ng ganu’ng karaming awards.

Plus, hawak pa ng Ang Probinsyano ang consistent high rating at ang bagong tala na umabot na ito sa kanilang ika-100 linggo sa ere. 500 days and counting na nga ang inilalagi ng show ni Coco sa primetime at tatagal pa ito hanggang 2018.

Kaya naman sa pagpasok uli ng mga bagong karakter na magpapa-tingkad sa karakter ni Cardo Dalisay (Coco) at mga re-gular nitong kasamahan, asahan daw nating hindi ito bibitawan ng mga televie-wers.

Sina Aljur Abrenica at Jestoni Alarcon ang ilan lang sa mga bagong papasok sa teleserye. Mismong si Coco ang nag-welcome sa kanila at nagbigay ng pahayag na “kinakarir” din niya ang pagpili sa mga magiging special guest sa FPJAP.

Ang nakakaloka, inamin mismo ng ilang celebrity na kasama ngayon sa serye ang nagre-request na huwag muna silang tsugihin o patayin sa kuwento dahil anila, bukod sa enjoy na enjoy sila sa FPJAP ay napakalaking tulong daw sa kanila ang kinikita nila rito bilang regular cast member. Kabilang na nga riyan sina Mitch Valdez, Long Mejia, Jeff Tam, Arlene Tolibas at iba pa.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments