Sharon, Gary napanganga sa panggagaya ni Eric kay Willie
By Cristy Fermin
Bandera
September 16, 2015 at 3:00 am
ERIC NICOLAS AT WILLIE REVILLAME

ERIC NICOLAS AT WILLIE REVILLAME

Pagkatapos nang limang taon ay muling nakita ang retrato ni Willie Revillame sa ABS-CBN. Taong 2010 ito umalis sa network para lumipat sa TV5 at nanatili naman sa ista-syon nang tatlong taon.

Mula nu’n ay hindi na nakita pa ang video o retrato man ng aktor-TV host sa Dos. Nagkademandahan kasi sila, ipinanalo ni Willie ang mga asunto laban sa kanya ng ABS-CBN, natural lang na hindi na ito suportahan ng pinanggali-ngan nitong istasyon.

Pero nu’ng Linggo nang gabi ay walang pamimilian ang Dos kundi ang ipakita ang standee at mga larawan ni Willie Revillame, ang TV host na gagayahin ni Eric Nicolas, dating jester sa mga programa ni Willie.

Wasak na wasak ang mga judges at manonood sa ginawang panggagaya ng magaling na komedyante kay Willie, hindi ‘yun nakapagtataka dahil mahabang panahon ang kanilang pinagsamahan, alam na alam ni Eric ang galaw at boses ng kanyang kaibigan.

Top 1 si Eric Nicolas nu’ng unang sultada ng Your Face Sounds Familiar, nakaipon siya ng 42 points, aliw na aliw sa kanya si Sharon Cuneta at saludo naman sa kanyang talento si Gary Valenciano.

Palagi naming pinatutugtog ang piyesang “Ating Pag-ibig” ni Eric Nicolas sa aming programa sa radyo.

Nakakaaliw rin ang kanyang kanta, tulad ni Willie ay si Vehnee Saturno rin ang composer ng piyesa, nagsisimula na nga ang pagle-level-up ni Eric Nicolas na napakagaling na stand-up comedian.

Sayang na sayang ang kanyang talento kung hindi ‘yun masisilip ng publiko.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments