Regalo ni Vice para sa anak ni Calvin Abueva ipinabalik daw ng legal wife?
By Ambet Nabus
Bandera
January 11, 2019 at 1:10 am

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

NAKABALIK na nga si Vice Ganda mula sa kanyang holiday break sa Europe.

Bitbit niya ang magagandang memories sa iba’t ibang lugar sa Europe kabilang na ang Spain kasama ang kanyang pinakamamahal na ina. Pero dedma lang si Vice sa chikang bukod sa nanay niya, ay kasama rin niya ang napapabalitang bagong boyfriend.

“Meron na naman? Hindi ba’t he is still nursing a broken heart?” tanong ng isang common friend na nakasaksi umano sa pag-iyak ng TV host-comedian nu’ng mga araw na super busy ito sa promo ng kanyang blockbuster filmfest entry na “Fantastica.”

Humopia (read: hoping/ umasa) raw si Vice na makakapag-usap pa sila ni Calvin Abueva bago or after Christmas, pero never daw itong nangyari.

In fact, meron pang lumabas na tsismis na diumano’y ipinabalik ng asawa ng PBA player ang mga regalong ipinadala ni Vice para sa inaanak nito at sa pamilya ni Calvin?

Hmmmm, may ganu’n ba talagang eksena?

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

View Comments